Mga hindi pa bakunado kontra COVID-19, dumagsa sa mga bakunahan ilang araw bago …

Mga hindi pa bakunado kontra COVID-19, dumagsa sa mga bakunahan ilang araw bago ang pagpapatupad ng “no vax, no ride” policy sa Lunes – RMN Networks

Dumagsa ngayong araw sa mga vaccination site ang mga residenteng naghahabol magpabakuna kontra COVID-19. Ilang araw ito bago ang implementasyon ng “no vaccination, no ride” policy sa Metro Manila sa Lunes, January 17. Alas-6:00 pa lamang kaninang umaga ay mabaha na ang pila ng mga sasakyan sa drive thru vaccination sa Quirino Grandstand sa Maynila.