Mass vaccination kinakasa ng mga NCR mayor

Mass vaccination kinakasa ng mga NCR mayor

Inihayag ni ParaƱaque City Mayor Edwin Olivarez ang plano ng mga alkalde sa National Capital Region (NCR) na masimulan ang mass vaccination pagsapit ng Hunyo. “Sa pagpupulong namin, itong dadating na June na dadating `yong supply natin, ito po ang target natin, ang buong National Capital Region ay magkakaroon ng mass inoculation,” sabi ni Olivarez, chairman din ng Metro Manila Council, sa isang panayam sa radyo.