Leader umano ng sindikato, 7 iba pa timbog sa drug bust sa Tagum City

Leader umano ng sindikato, 7 iba pa timbog sa drug bust sa Tagum City

Timbog ang isang itinuturong leader ng sindikato at 7 iba pa sa isang drug-bust operation sa Barangay Visayan Village sa Tagum City, Davao del Norte, Lunes ng gabi. Kinilala ang leader umano na si Marlon Maurillo. Ayon sa pulisya, siya ay pinuno ng “Kaparas Gang” na ang dating pangalan ay “Sukarap Gang” na sangkot umano sa mga pagnanakaw, cellphone snatching at pananaksak sa lungsod.