Distribusyon ng anti-parasitic drug na Ivermectin sa Quezon City, kinondena ng grupo ng mga …

Distribusyon ng anti-parasitic drug na Ivermectin sa Quezon City, kinondena ng grupo ng mga manggagamot | RMN Networks

Nagpahayag ng pagkabahala ang Philippine Pharmacists Association (PPhA) kaugnay sa distribusyon ng anti-parasitic drug na Ivermectin sa ginawang “Community Pan-three” ng dalawang kongresista sa mga residente ng Matandang Balara sa Quezon City. Ayon kay PPhA President Gilda Saljay, hindi maituturing na ligtas ang ginagawang paraan sa pamimigay ng Ivermectin bilang panangga sa COVID-19.