Mga residente sa compound sa QC inireklamo ang pag-lockdown sa kanila

Mga residente sa compound sa QC inireklamo ang pag-lockdown sa kanila

MAYNILA – Nagreklamo ang ilang residente sa isang compound sa Barangay Mariana, Quezon City matapos silang ipa-lockdown simula Abril 21 dahil lang umano sa 2 positibong kaso ng COVID-19. Ayon sa mga residenteng nakausap ng ABS-CBN News, 2 tao lang ang nahawahan ng COVID-19 sa kanila at sa pagkakaalam nila ay nakapag-isolate at gumaling na ang mga ito.