COMELEC, iginiit na mananatili sa automated election system ang 2022 national elections

COMELEC, iginiit na mananatili sa automated election system ang 2022 national elections | RMN Networks

Iginiit ng Commission on Elections (COMELEC) na mananatili sa automated system ang 2022 national elections. Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, hindi nila kakayaning magbigay daan sa malaking pagbabago sa sistema ng pagboto lalo na’t nalalapit na ang simula ng panahon ng pangangampanya at eleksiyon.