3.4-M na halaga ng shabu, nakumpiska sa isang drug courier sa Caloocan City | RMN Networks
Arestado ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang drug courier sa kanilang operasyon sa isang mall sa Caloocan City. Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang arestado na si Jovit dela Cruz, 27-anyos. Narekober sa suspek ang 500 grams ng hinihinalang shabu na may street value na P3.4 million.