Lolong biker sinalpok ng motor, dedo

Lolong biker sinalpok ng motor, dedo

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) РDecember 31, 2020 Р12:00am MANILA, Philippines РHindi na umabot ng Bagong Taon ang isang 63-anyos na lolo makaraang mabangga ng isang rumaragasang­ motorsiklo habang nag­bibisikleta sa kahabaan ng Maria Clara L. Lobregat Highway, Brgy. Quiniput, Zamboanga City nitong Martes ng gabi.