Lola, 2 bagets huli sa P.5 milyong shabu
Aabot sa P.5 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam ng pulisya sa isang 64-anyos na lola at dalawang 17-anyos na binatilyo na dumayo pa para magbenta ng droga sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Malapit, San Isidro, lalawigang ito nitong Sabado ng hapon.