Pasig City Government, nagbigay-paalala sa mga residente ngayong Undas | RMN Networks
Pinaalalahanan ng Pasig City Government ang publiko na sarado ang lahat ng pampubliko at pribadong sementeryo mula ngayong araw, Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4 bilang pagtalima sa kautusan ng Inter-Agency Task Force (IATF). Ayon sa Pasig City Government, muling magbubukas ang mga sementeryo sa lungsod sa Nobyembre 5 hanggang Nobyembre 7.